Muling binulabog ng pambobomba ng mga suicide bombers ang dalawang lugar sa bansang Syria.
Unang inatake ng mga suicide bomber ang Justice Palace na hindi kalayuan sa Hamidiyeh Market.
Sumunod naman inatake ang isang restaurant sa bahagi ng Rabweh District sa Damascus.
Dahil dito, hindi bababa sa tatlumpu (30) ang patay kabilang na ang mga bata at babae sa nangyaring insidente.
By Jaymark Dagala