Mahigit walo katao ang patay sa nangyaring pamamaril sa isang paaralan sa Texas.
Ayon sa ulat, binulabog ng putok ng baril ang Santa Fe High School dahilan upang mabilis na magsilikas ang mga estudyante at empleyado ng paaralan.
Nasa kustodiya naman na ng mga rumespondeng pulis ang isang 17 anyos na lalake na hinihinalang nasa likod ng naturang pamamaril.
Matatandaang ilang insidente na ng pamamaril sa mga paaralan ang naitala sa Estados Unidos.
Nuong Pebrero, magugunitang 17 estudyante at guro ang nasawi sa pamamaril sa Parkland, Florida High School.