Naglabas ng panuntunan ang Manila North Cemetery para sa mga bibisita sa kanilang mga yumaong kamag-anak sa darating na Undas.
Hindi maaaring pumasok sa Manila North Cemetery ang mga bata edad 12 pababa, gayun din ang mga hindi pa bakunado kontra Covid-19.
Bawal din sa loob ang E-trike, bisikleta, motorcycle at tricycle.
Hindi rin maaaaring magdala ang mga bibisita ng flammable items, sound system, mga nakakalasing na inumin, baraha at matutulis na bagay.
Samantala, bubuksan ang Gates 2 at 3 ng naturang sementeryo para lamang sa exit ng mga tao simula alas-7 ng umaga hanggang alas singko ng hapon.
Bubuksan naman ang main gate simula alas-5 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon. —sa panulat ni Hannah Oledan