Umalma si Senador Risa Hontiveros sa pahayag ng pangulo na isang pirasong papel lamang na pwedeng itapon sa basura ang pagka panalo ng Pilipinas sa China sa Permanent Court of Arbitration sa The Hague.
Binigyang diin ni Hontiveros, na hindi basura ang arbitral award ng Pilipinas dahil katumbas nito ang likas yaman na nasa wps na dapat ingatan at dapat batid ng pangulo na ang nasabing panalo ay nagpaigting pa ng posisyon ng pilipinas sa wps.
Binalikan din ni Hontiveros ang pangulo dahil mas nauna pa ang mga ibang bansa na maipagtanggol ang Pilipinas sa naturang usapin kaysa sariling pangulo.
Ang pagkapanalo aniya ng Pilipinas sa nasabing usapin ay sinuportahan ng United Kingdom,France at Germany gayundin ang Indonesia at Australia na pawang kumukundena sa pag-angkin ng China sa buong South China Sea.