Nagpaliwanag si Interior and Local Government Secretary Eduardo Año sa naging kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Police Lt. Col. Jovie Espenido.
Ito ay matapos sabihan ng Pangulo Duterte si Espenido na malaya itong pumatay ng sinuman bilang bahagi ng kampanya kontra iligal na droga sa Bacolod.
Ayon kay Año, hindi dapat gawing literal ang pakahulugan sa pahayag ng Pangulo lalu’t kilala naman aniya itong mahilig mag-exaggerate.
Binigyang diin ni Año, hindi maaaring patayin na lamang basta-basta ang mga nasasangkot sa iligal na droga kasabay ng pagtitiyak na kanilang sinusunod ang rule of law.
Dagdag ni Año, pinili si Espenido bilang bagong deputy chief of police ng Bacolod City dahil sa karanasan nito sa tungkulin at taglay na “strong will”.