Hindi dapat tuluyang ipasara ang lahat ng establisyimento sa isla ng Boracay, Aklan.
Ito, ayon kay Senate Environment and Natural Resources Committee Chairperson Cynthia Villar ay kahit pa may mga lumalabag sa enviromental laws
“Kasi kapag isinara mo lahat, atleast we compliance in the law, pinarusahan mo. Kailangan bigyan natin ng reward who are following the laws and i-penalize who are not. Pag isasara mo lahat, whether you follow the law or not, eh di lalong walang susunod sa batas. Ang pinakamadali lang doon na gawin is yung paanuhin sila sa sewer line, diba? Kasi connection lang yun at ayaw nilang kumonek. Sabi nila 85% ayaw kumonek eh napakdali lang naman nun.”
Dapat din anyang magtulungan ang national at local government sa pangangasiwa sa Boracay lalo’t kabilang ang naturang isla sa ipinagmamalaki ng bansa bilang pangunahing tourist destination.
“I think ang Boracay should be a joined management between the national government and the local government. Hindi pwedeng iwanan ng local government as is. Parehas na hindi nila kaya so I think ang ano diyan is through an administration coming from the national government na may say doon sa management ng Boracay kasi kailangan may check and balance kung magkulang yung isang local government, make-kept ng national government at ang Boracay is a pride of the Philippines. Hindi pwedeng papangitin natin kasi it will destroy the image of the Philippines.”
(From Usapang Senado Interview)