Idinipensa ni Magdalo Partylist Representative Gary Alejano ang analysis niya hinggil sa police anti drug operations.
Sinabi ni Alejano na tungkulin niya bilang mambabatas na mag check at balansehin ang mga aksyon ng administrasyon.
Kasunod na rin ito ng pagbatikos ni PNP Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa sa analysis ni Alejano sa isang libo at limang (5,005) spot reports hinggil sa mahigit isanlibong drug suspects mula Hulyo 2016 hanggang Setyembre 2017.
Ayon kay Alejano, hindi kailangang palaging nasa defensive mode si Bato na dapat ay gawing inspirasyon ang mga batikos at rekomendasyon sa anti drug campaign ng gobyerno.
Una nang inihayag ni Bato na walang alam si Alejano dahil hindi ito pulis kaya’t hindi nito batid na ang transaksyon ng droga ay nangyayari sa gabi at sa madilim na lugar.