Hindi kailangang patunayan ng biktima ng sekswal na pang-aabuso na pumalag siya sa ginawa ng salarin.
Ito ang binigyang diin ng Supreme Court sa ipinalabas nitong desisyon laban sa akusadong si Joselito Salazar na napatunayang gumasa sa isang 15 anyos na babae sa Barangay Kalawaan, Pasig City noong 2013.
Sa kanyang depensa, kinuwestiyon ni Salazar ang kredibilidad ng dalagita at ipinagdiinan na hindi man lang pumalag o sumigaw ang biktima sa kanyang ginawa.
Ngunit sa desisyon ng Korte Suprema, binanggit na hindi hinihingi ng korte sa mga biktima ng panggagahasa na patunayan na nagkaroon ng physical resistance lalo na kung may dalang armas o patalim ang salarin.
Dahil dito, sentensiyahan ng reclusion perpetua o 20 hanggang 40 taong pagkakabilanggo at inatasan itong bayaran ng danyos ang biktima na nagkakahalaga ng P225,000.