Nanindigan si Senador Antonio Trillanes IV na hindi sila aatras ni Magdalo Partylist Rep. Gari Alejano laban kay Pangulong Rodrigo Duterte
Ito ang sagot ng Senador makaraang tawagin silang duwag ng Pangulo dahil sa nabigong kudeta na kanilang ikinasa nuong administrasyong Arroyo
Ayon kay Trillanes, darating ang panahon na babagsak din ang Pangulo tulad ng lahat ng kanilang nakalaban kaya’t walang dahilan para sa kanila ang magpasindak
Giit pa ng Senador, tumitindig aniya sa track record at consistency ang kanilang grupo na Magdalo sa pagsusulong ng reporma at paglaban sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan tulad ng Pangulo
By: Jaymark Dagala