Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi lahat ng miyembro ng Mocha Girls ay bibigyan ng trabaho sa gobyerno.
Pero sinabi ng Presidente na kung gusto nilang magtrabaho ay ipapa-check niya kung ano ang angkop na ibigay sa mga ito.
Wala naman aniya siyang nakikitang mali kung nais ng Mocha Girls na magtrabaho sa gobyerno.
Sinabi pa ng Pangulo na may karapatan ang bawat Pilipino na maghanapbuhay kaya kung ano ang angkop sa kuwalipikasyon ng Mocha Girls ay siyang ibibigay sa mga ito.
Una ng itinalaga ni Pangulong Duterte si Mocha Uson bilang Asisstant Secretary sa Presidential Communications Operations Office.
By: Aileen Taliping