Hindi maaaring pakawalan ng gobyerno si Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang contact tracing czar dahil subok na ang kakayahan nito.
Ito ang inihayag ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo kasunod ng pagbibitiw ni Magalong na tinanggihan naman ng Malacañang.
Sinabi ni Panelo na mahalaga ang ginagampanang papel ni Magalong bilang contact tracing czar sa gitna ng mas pinaigting na Covid-19 response ng pamahalaan.
Matatandaang nagsumite ng kanyang resignation si Magalong matapos batikusin sa kanyang pagdalo sa birthday party ng celebrity na si Tim Yap.