Kawalang kakayahan o pagiging incompetent ng mga namumuno sa Department of Health.
Ito ayon kay Senador Panfilo Lacson ang lumalabas kasunod ng findings ng COA hinggil sa deficiency o hindi maayos na pangangasiwa at paggamit ng DOH sa mahigit P67 bilyon na pondo para sa COVID-19 response.
Sinabi ni Lacson na mula sa pag drop the ball o pagka unsyami sa ini-lobby ng bakuna sa Amerika nina DFA Secretry Teodoro Locsin Jr. at Ambassador Babes Romualdez. Ngayon naman ay hindi kinikilala ng hongkong ang iniisyung vaccination card sa bansa.
Nadagdag pa aniya ngayon ang hindi nagagamit na halos P68 bilyon na pondo habang nagmamakaawa ang health workers na mabayaran sa kanilang P5,000 special risk allowance.
Magugunitang kinuwestyon nuon ng mayorya ng mga senador ang kakayahan ni Health Secretary Francisco Duque na pangasiwaan ang laban sa COVID-19 pandemic kasunod ang pagpapasa ng resolusyon na nagsusulong na magbitiw na sa puwesto ang kalihim.