Nababahala na ang mga pasahero dahil sa maling sitwasyon na nangyayari sa ilang pampublikong sasakyan kung saan, hindi na nasusunod ang physical distancing na ipinatutupad ng pamahalaan.
Ayon sa ilang mga pasahero, parang bumalik na sa normal ang sitwasyon ng biyahe dahil nagiging siksikan na ang mga pasahero sa loob ng mga pampublikong sasakyan.
Bukod pa dito, karamihan pa sa mga sasakyan kagaya ng bus at jeep ay pinapayagan ang mga pasahero na nakatayo at magkatabi sa upuan.
Ayon sa pamunuan ng mga bus terminal, ang kapasidad ng kanilang bus ay nakadepende sa quarantine classification na ilalabas ng pamahalaan.
Nilinaw naman ni LTFRB Chairman Martin Delgra na anuman ang quarantine level ng isang lugar ay dapat na nasa 50% parin ang kapasidad na ipatutupad sa loob ng pampublikong sasakyan.— sa panulat ni Angelica Doctolero