Problema pa rin sa Pilipinas ang hindi maayos na pagpapatupad ng waste segregation.
Ayon kay acting Environment Secretary Jim Sapulna, maraming LGU ang hindi pa rin sumusunod sa Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2001.
Ito ang batas na nagbibigay mandato sa paghihiwalay ng basura o segregation sa Barangay level.
Binigyang-diin naman ng opisyal na ang responsibilidad sa solid waste ay nakasalalay sa LGU dahil teknikal na tulong at suporta lamang ang kayang ibigay ng pamahalaan.
Pinaalalahan din ni Sapulna ang publiko na gawin ang tamang segregation ng basura tulad ng paghahati sa compostable, recyclable at residual wastes.