Nagbabala si Pope Francis laban sa hindi magandang kaugalian sa Japan.
Sa isang video conference sa mga estudyante sa Tokyo, tinukoy ng Santo Papa na nakasasama ang kultura ng mga Hapon na labis na labis na kompetisyon sa paaralan at trabaho.
Binatikos din ng Santo Papa ang labis na pagkahumaling ng mga ito sa consumerism.
Kilala ang Japan sa pagiging competitive na nagbunsod naman sa sobrang trabaho dahilan para tumaas ang bilang ng pagkamatay dulot ng stroke, heart attack at suicide.