Hindi sapat na rason ang pagiging magkaibigan ng pamilya Duterte at Marcos para mawalan ng puwesto sa gabinete si incoming Vice President Leni Robredo
Ito ang pananaw ni Senador Sergio Osmeña III sa naging pahayag ni incoming President Rodrigo Duterte na tila nag etsapwera kay Robredo sa gabinete
Ayon kay Osmeña, hindi naman magandang tingnan na parang palamuti lamang ang Bise Presidente at walang papel sa gabinete ng Pangulo
Gayunman, umaasa pa rin si Osmeña na mahahanapan pa rin ng puwesto ni Duterte si Robredo sa pagusad ng panahon.
By: Jaymark Dagala