Inihayag ng mga abogado ng pamahalaan na kailanman ay hindi magiging rason ang pagpapatupad ng Ant-Terrorism Law para lumabag sa karapatang pantao o human rights ng bawat Pilipino.
Ito’y ayon sa mga miyembro ng Office of the Solicitor General (OSG) hinggil sa ika-pitong oral argument ng korte suprema hinggil sa petisyong humihiling na ideklarang unconstitutional ang naturang batas.
Mababatid na sa naging pagtatanong ni Associate Justice Henri Paul Inting kay Assistant SolGen Marissa Dela Cruz-Galandinez, tinanong nito kung naglabas nga ba ng pahayag ang pangulo at mga gabinete at mga law enforcement agencies nito kung saan kanilang tinitiyak sa publiko na kanilang rerespetuhin ang karapatang pantao ng bawat Pilipino.
Sagot dito ni Galandinez, na sa katunayan ay pinangunahan ng Anti-Terrorism Council ang paggawa ng handbook para sa mga kawani ng law enforcement agencies para tiyakin na nirerespeto ang karapatang pantao.
Kasunod nito, ipinagmalaki rin ng opisyal na sinisimulan na ng pamahalaan ang pagpapatupad nito sa national action plan para maiwasan at tuluyang masugpo ang extremism.