Tiwala si House Committee on Higher Education Vice chairman Fidel Nograles na i-u-urong ng PNP ang planong pagdadagdag ng police visibility sa mga unibersidad at kolehiyo.
Sinabi ni Nograles na hindi makakatulong sa pag aaral ng mga kabataan ang binabalak ng PNP na hindi naman talaga bahagi ng mandato nito.
Ayon pa kay Nograles, trabaho ng PNP na labanan at tugisin ang mga krimen na wala naman sa mga unibersidad at mga kolehiyo sa bansa.
Hindi aniya maituturing na krimen hanggat hindi lumalaban ang mga estudyante sa gobyerno gamit ang mga armas.