Hintayin muna ang magiging kautusan ng Campaign Finance Office ng Commission on Elections o COMELEC.
Ito ang inihayag ng COMELEC kaugnay sa kahilingan ng liberal Party at ng kanilang standard bearer na si Mar Roxas na pagpapalawig sa filing ng Statements Of Contributions and Expenditures o SOCE.
Pinamumunuan ni COMELEC Commissioner Christian Robert Lim ang Campaign Finance Office na pangunahing departamento ng COMELEC na nakatutok sa mga natanggap na kontribusyon at nagastos ng mga kumandidato.
Kaugnay dito, Nanindigan naman si COMELEC Commissioner Luie Tito Guia na walang nagwaging kandidato sa nakalipas na halalan ang maaaring umupo sa pwesto nang hindi nakapagsusumite ng Statements Of Contributions and Expenditures o SOCE.
Ayon kay Guia, alinsunod ito sa Section 14 ng Republic Act Number 7166 o ang Synchronized Elections Law.
Sa panig naman ni Comelec Chairman Andy Bautista, sinabi nito na abangan na lamang ang magiging desisyon ng En Banc sa naturang usapin.
By: Meann Tanbio