Dalangin ng Pangulong Rodrigo Duterte na hindi sana ganoon kapanganib o kalala ang nakapasok na sa bansang UK COVID-19 variant.
May bagong monster na naman, and I pray to God, really, na sana, sana, hindi ito more dangerous, more toxic than the original COVID,″ani ng Pangulo.
Ito ay matapos kumpirmahin ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na isang Pinoy edad 29 na mula sa United Arab Emirates (UAE) noong Enero 7 ang nagpositibo sa B117 o bagong UK COVID-19 variant.
This was discovered or detected in a 29 year old male residing in Kamuning, Quezon City, with his girlfriend and parents. They are real-estate agents who have not reported physically at their office and they go out only for essentials.” pahayag ni Duque.
Dagdag ni Roque na patuloy sila sa pagkalap ng impormasyon at bukas ng umaga ay magkakaroon sila ng press conference upang sagutin ang mga katanungan kaugnay dito.
Samantala, nagpasalamat naman ang Pangulo kay Duque sa aktibong surveillance nito sa kaso ng COVID-19 sa bansa.—sa panulat ni Agustina Nolasco