Aminado si Presidential Communications Secretary Martin Andanar na hindi matatanggal ang lahat ng kasamaan sa mundo.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Andanar na halimbawa nalang nito ang minanang problema ng administrasyon ni pangulong Rodrigo Duterte sa pamunuan ng pambansang pulisya.
Binigyang diin din ni Andanar na hindi dapat magbunyi ang mga sangkot sa ilegal na droga dahil patuloy ang kampanya ng pamahalaan laban dito, habang nililinis ang pulisya.
“Kung ano man ang meron ang PNP ngayon ito’y minana lamang ng ating liderato ngayon, he took over the problem, okay na sana yung operation, marami nang sumusurender lahat pero you know in this year’s case was really a big blow, we cannot stop, we have to move forward at yun ang ginawa ni Pangulong Duterte, in-assign niya sa PDEA once again the war against illegal drugs”
By: Katrina Valle / Race Perez
Credits to Push Mo Yan Te program of DWIZ mapapakinggan tuwing Lunes hanggang Biyernes, 11:00 AM to 12:00 NN kasama si Ruth Abao