Hindi lamang tinaniman ng ebidensya kundi pa-traydor ding pinagbabaril ang apat na sundalong napatay ng siyam na pulis sa Jolo, Sulu nitong nakalipas na Hunyo 29.
Ito ang laman ng NBI medico legal report kung saan nakasaad din ang 34 na basyo ng balang nakuha sa crime scene na pareho sa inisyung mga baril sa mga pulis na sangkot sa krimen.
Ayon sa NBI pinakamaraming tama ng baril o walong bala ang tumama sa katawan ni Major Marvin Indamog, ang commander ng 9th division intelligence group ng Philippine Army sa Jolo, tatlong bala ang sumapol kay Captain Irwin Managuelod, tatlo kay Sergeant Jaime Velasco Jr. Samantalang hindi naman na autopsy ang mga labi ni Corporal Abdal Asula dahil kaagad itong inilibing batay na rin sa tradisyong Islam.
Lumalabas din sa NBI forensic investigation na hindi ipinutok ng mga sundalo ang kanilang baril taliwas sa pahayag ng mga pulis na nagkaruon ng shoot out.
Ang mga dawit na pulis ay kasalukuyang nasa restrictive custody sa Camp Crame.