Hindi na umano kailangang idaan sa kudeta si Pangulong Rodrigo Duterte sakaling planong patalsikin ito sa puwesto.
Aminado ang Pangulong Duterte na batid niyang marami siyang masasagasaan sa ipinatutupad na pagbabago sa gobyerno at posibleng pag-isipan siya ng kudeta para mawala sa kanilang landas.
Sinabi ng Presidente na tawagan na lamang siya sa Malacañang kung may planong paalisin siya, sa halip na daanin siya sa pamamagitan ng Coup d’ Etat.
May pangako aniya siya noong panahon ng kampanya na hindi niya hahayaan ang baluktot na gawain at katiwalian kaya’t titiyakin niyang magiging malinis ang gobyerno.
Kasabay nito, hiniling ng Presidente ang tulong at suporta ng publiko para maisakatuparan ang paglilinis sa gobyerno
By: Meann Tanbio / (Reporter No. 23) Aileen Taliping