Kinumpirma ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na hindi na obligadong magpakita ng travel authority at medical certificate ang mga biyahero.
Ayon kay DILG Undersecretary and spokesperson Jonathan Malaya, ito’y alinsunod sa inaprubahang uniformed travel protocols ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Sinabi ni Malaya na hindi na rin mandatory o sapilitan ang COVID-19 testing para sa mga domestic travelers, maliban na lamang kung may umiiral pang requirement ang isang local government unit o LGU.
Nanawagan naman si Malaya sa mga lokal na pamahalaan na sumunod sa bagong regulasyon ng IATF.
Samantala, pinayuhan ni Malaya ang mga biyahero na bago bumiyahe ay tiyakin muna na walang COVID-19 testing requirement sa pupuntahan nilang lugar o destinasyon.