Tatlumput tatlong milyong Pilipino na eligible na maturukan ng booster shots ang hindi pa nakakatanggap ng additional vaccine dose.
Ayon kay health undersecretary Maria Rosario Vergeire, 11.8 million pa lamang sa 45 milyong eligible individuals ang nabigyan na ng booster shots.
Aniya, nagsagawa ang Department of Health ng ilang mga pag-aaral o survey upang matukoy kung bakit hindi pa tumatanggap ng booster ang ilang fully vaccinated individuals.
Nabatid aniya ng ahensya na naniniwala ang ilan sa mga ito na may sapat na silang proteksyon laban sa COVID-19 at dahil na rin sa natural immunity mula sa coronavirus infection.
Gayunman, pinaalalahanan ni Vergeire ang publiko na humihina ang natural immunity, maging ang immunity mula sa mga bakuna.
Batay sa datos ng pamahalaan noong Huwebes, nasa 65.5 milyong Pilipino ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.