Pinaiimbestigahan ng Makabayan Bloc sa mababang kapulungan ng kongreso ang napaulat na pagdami ng mga Chinese dredging ships.
Iginiit ng Makabayan Bloc na ang mga dredging ship na ito ay sinasabing sangkot sa ilegal na paghuhukay sa bansa.
Hindi na rin umano otorisado ang presensya ng mga ito sa karagatang sakop ng Pilipinas.
Namataan ang dredging ship 13 kilometro southwest ng Orion point sa lalawigan ng Bataan.
Ngunit ayon sa Makabayan Bloc hindi ito ang unang pagkakataon na mayroong Chinese manned dredging ships na nahuli dahil sa ilegal na aktibidad sa teritoryo ng Pilipinas.