Hindi pa tapos ang laban kaugnay sa bagong prangkisa ng ABS-CBN.
Ito ayon kay Leody De Guzman, chairman ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino ay dahil panahon na ring gantihan sa 2022 elections ang 70 kongresistang pumatay sa panukalang bigyan ng bagong prangkisa ang dating media giant.
Sumang-ayon naman dito si Christian Lloyd Magsoy, spokesperson ng Defend Jobs Philippines na nagsabing tiyak aniyang maniningil ang mga manggagawa sa darating na eleksyon dahil sa pagharang na makapag-ere ang ABS-CBN sa gitna pa naman ng pandemya.
Tanging 11 miyembro ng House Committee on Legislative Franchises ang pumabor sa panukalang mabigyan ng bagong prangkisa sa susunod na 25 taon pa ang ABS-CBN .