Sinabi ni Presidential Spokesperson, Secretary Harry Roque na hindi pag-aari ng Pilipinas ang Julian Felipe Reef.
Ito’y ayon kay roque sa kabila ng mga inihahaing diplomatic protest ng Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa china dahil sa pananatili ng kanilang mga barko sa anyong tubig.
Dagdag pa ni Roque na ang talagang nag-aagawan sa naturang anyong tubig ay ang mga bansang Vietnam at China.
Gayunman ay binigyang diin ni Roque na hindi kailanman bibitiwan ng pilipinas ang pag-angkin dito.
Sa panig naman ng DFA Secretary Teodoro Locsin ang naging pahayag ng tagapagsalita ng pangulo hinggil sa isyu ng pinag-aagawang teritoryo.
Sa isang post online, sinabi ni Locsin na pagdating sa usapin ng foreign policy ay dapat ipinauubaya na nito sa ahensya dahil ito naman aniya ang tunay na nakakaalam sa international diplomacy.
Giit pa ni Locsin na “this is my last warning” o huling babala sa sinumang mangunguna at makikisawsaw sa isyu na dapat ay ang DFA ang humaharap.