Sinimulan na ng Metro Manila Mayors ang pagpapatupad ng “brand agnostic policy” sa mga vaccination site sa kalakhang Maynila.
Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, Metro Manila Council Chairman, simula ngayong araw ay hindi na inanunsyo ang brand ng bakuna kontra COVID-19 na available sa partikular na vaccination center.
Ito aniya ay alinsunod sa naging direktiba ng Department of Interior and Local Government.
Gayunman sinabi ni Olivarez na paguusapan pa rin ang polisiyang ito sa oras na magpulong muli ang MMC.
Ngunit tiniyak naman ni Olivarez na ang lahat ng bakuna kontra COVID-19 na ginagamit ngayon sa bansa ay dumaan sa masusing pag-aaral at clinical testing.