Hindi malayong tumigil na sa pamamasada ang marami sa mga tsuper ng pampublikong sasakyan kapag hindi napagbigyan o naaprubahan ang hirit nilang dalawang pisong taas pasahe.
Ayon kay Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) Pres. Lando Marquez, halos wala na aniyang kinikita ang mga kawawang tsuper dahil sa napakamahal na halaga ng produktong petrolyo.
Kaya kung di aniya mapagbibigyan ang kanilang kahilingan na fare increase, mapipilitan ang marami sa kanila na wag na munang pumasada.
Dagdag ni Marquez, sakaling di umayon sa kanilang panig ang magiging desisyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ukol sa kanilang petisyon, agad aniyang magsasagawa ng pagpupulong ang kanilang hanay upang mapag usapan ang kanilang susunod na hakbang. – sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)