Pinaiimbestigahan ni Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairman Panfilo Lacson ang hindi pagre- release sa 58 Million Pesos na halaga ng allowances para sa mga tauhan ng Special Action Force ng Philippine National Police.
Nakasaad sa Senate Resolution 712 na ang pagpigil sa paglalabas ng nasabing halaga ay maaaring magdulot ng demoralisasyon sa hanay ng SAF na pawang mga “Frontliner” ng gobyerno sa paglaban ng terorismo at iba pang krimen.
Dagdag pa ni Lacson , maliban sa sweldo ay dapat tumanggap rin ng additional subsistence allowance na 900 Piso kada buwan ang PNP SAF at dapat mayroon din silang EOD Hazardous Pay.
Kaugnay nito , iginiit ni Lacson na kailangang matignan muli ang pagpapatupad sa paglalaan ng pondo para sa mga tauhan ng PNP para matiyak na natatanggap nila ng tama ang kanilang benepisyo.