Tuluy na tuloy na simula sa April 30 ang hindi pagbabayad ng terminal fee ng mga OFW o Overseas Filipino Workers.
Sinabi ni NAIA General Manager Ed Monreal na tanging ipapakita lamang ng mga OFW ay employment certificate at mali-libre na ang mga ito sa pagbabayad ng terminal fee.
Natutuwa naman ang mga OFW sa nasabing hakbang gayundin ang umano’y pagkilala ng air carriers sa OFW exemptions simula naman sa July 31.
By Judith Larino