Nanawagan si Vice President Leni Robredo sa publiko na huwag kalimutan ang mga makabuluhang ambag ng mga bayani sa kasaysayan ng Pilipinas partikular na ni Gat. Andres Bonifacio.
Ito ang buod ng mensahe ng Pangalawang Pangulo nang dumalo ito sa aktibidad kaalinsabay ng ika – 154 na kaarawan ni Bonifacio sa Caloocan City kahapon.
Kaugnay nito, inihayag ni VP Leni na walang problema sa kaniya kung hindi man siya ang naatasang kumatawan kay Pangulong Rodrigo Duterte sa nabanggit na okasyon at sa halip ay si Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Magugunitang pinangunahan ng Defense Chief ang pag-aalay ng bulaklak at nagbigay ng talumpati sa bantayog ni Bonifacio kung saan, binasa nito ang inihandang mensahe ng punong ehekutibo para sa okasyon.