Kinuwestiyon ni Senadora Grace Poe ang pagliban ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson Danilo Lim sa pagdinig ng senado kaugnay sa provincial bus ban at iba pang nararanasang suliranin sa daloy ng trapiko sa EDSA, ngayong araw.
Pinuna ni Sen. Grace Poe ang hindi pagdalo ni MMDA Chairman Danny Lim sa senate probe.
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) August 13, 2019
Ayon kay Poe, chairman ng senate committee on public services, ikinalungkot niya ang hindi pagdalo ni Lim gayong sinabi nito na sisipot sya sa naturang pagdinig.
Tumugon naman si MMDA General Manager Jojo Garcia sa naging pahayag ni Poe at ipinabatid na kasama nila si Lim bago ang pagdinig ngunit hindi na nakasipot dito dahil sa dadaluhang memorandum of agreement (MOA) signing na hindi maaaring i-reschedule.
Nagdulot naman ng pagdududa sa senadora ang hindi pagdalong ito ni Lim sa kung seryoso ba ang opisyal sa pagresolba sa problema sa trapiko.