Pursigido ang Commission on Elections (COMELEC) na gawing mandatory ang pagpapadalo sa mga kandidato sa mga gagawing debate para sa eleksyon.
Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, kukumbinsihin nila ang kongreso na bumalangkas ng panukalang batas ukol dito.
Sakop ng requirement ang lahat ng kandidato lokal man o nasyonal.
kung hindi maaari ang plano, sinabi ni Garcia na pwedeng gawin na lang itong ground para sa disqualification at election offense ng kandidato. – sa panulat ni Abby Malanday