Idinepensa ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang desisyon niyang huwag suspendihin ang klase sa kanilang syudad.
Ayon kay Belmonte, ibinase nila ang desisyon sa forecast ng PAGASA o Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Adminisration na mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan lamang ang mararanasan sa Metro Manila.
Bukod dito, hindi rin naman aniya tuloy-tuloy ang pag-ulan batay sa magdamag nilang pagmomonitor, at wala rin naman anyang nakataas na warning signal.
Una nang nagkansela ng klase ang halos lahat ng lugar sa Metro Manila at mga karatig lalawigan dahil sa walang tigil na buhos ng ulan dulot ng bagyong Gorio.
By Len Aguirre
Hindi pagkansela ng klase sa QC ngayong araw idinepensa was last modified: July 27th, 2017 by DWIZ 882