Nakikipag-ugnayan na ang Department of Transportation (DOTR) sa Metro Manila Development Authority (MMDA) para ipatupad ang direktibang ‘wag palalabasin ang mga hindi bakunado kontra COVID-19′.
Ang naturang direktiba ay base na rin sa resolusyon ng Metro Manila Council (MMC) na inaprubahan ng local mayors.
Kasama sa ipinagbabawal sa mga unvaccinated persons, minors at mga seniors ang pagsakay sa land, sea at air public transportation.
Papayagan lamang lumabas kapag mayroon lamang bibilhing essential goods at services ngunit kailangan magprisinta ng pruweba sa pagbili.
Kabilang sa mga hindi pasasakayin sa mga pampublikong sasakyan ang mga buntis at mayroong tinatawag na comorbidities kahit nabakunahan ang mga ito.
Sa ngayon ang public transport ay nasa 70% capacity sa Metro Manila mula Enero 3 hanggang Enero 15, 2022.