Hindi natinag si Ombudsman Samuel Martires sa panawagang isapubliko na ang Statement Of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa deliberasyon ng P3.97 bilyong Budget ng Office of the Ombudsman sa Kamara, binigyang-diin ni Martires ang mahigpit niyang pagtalima sa memorandum circular number 1 na inilabas noong Setyembre 2020.
Sa ilalim ng naturang kautusan, pinagbabawalan ang publiko na silipin ang SALN ng Pangulo at ilan pang government official habang may makukulong ang mga magko-komentaryo laban dito.
Ayon kay Martires, may mga kondisyon kung kailan ilalabas ang SALN ng isang partikular na government official pero kung hindi tumalima sa requirement ay hindi ito i-re-release.
Kabilang anya sa requirement ay kailangang may basbas ang request ng korte na may kaugnayan sa nakabinbing kaso.
Nanindigan din ang tanodbayan na hindi siya natatakot na ma-bash at kuyugin sa social media dahil hindi naman kasama sa kanyang job description ang opinyon ng publiko at handang magbitiw o mapatalsik sa pwesto bilang depensa sa memorandum circular.—sa panulat ni Drew Nacino