Hinihingan ng ulat ng Board of Inquiry (BOI) ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa kaugnay sa nangyaring pamamaril ng siyam na pulis sa apat na sundalo Sa Jolo, Sulu.
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Archie Gamboa, batay sa abiso ng BOI, kailangang maisumite ng PNP ang kanilang ulat hinggil sa insidente ngayong linggong ito.
Sa sandaling mahain na ang ulat ng PNP, sinabi ni gamboa na ilalatag na sa kanila ni AFP Chief of Staff Gen. Filemon Santos Jr. ang resulta ng imbestigasyon.
Kasalukuyan pa ring nagpapatuloy ang BOI sa kanilang pagsisiyasat gayundin ang pangangalap ng mga ebidensya hinggil sa pangyayari.
Idinepensa naman ni Gamboa ang pananahimik ng siyam na pulis na sangkot sa insidente dahil sa hindi nito pagsipot sa tanggapan ng National Bureau of Investigation.
Ani Gamboa, bahagi ito ng due process at may personal rights din aniya ang mga pulis na dapat pangalagaan tulad ng pangkaraniwang mga mamamayan na akusado sa isang krimen.