Ikinatuwa ng environmental group na EcoWaste Coalition ang hindi pagsunog ng Commission on Elections (COMELEC) sa nasa 933K defective at roadshow ballots.
Ayon kay Aileen Lucero, national coordinator ng EcoWaste Coalition, napigilan ang polusyon dahil sa hindi pagsira at pagsunog sa mga depektibong balota.
Noong Sabado sinimulan ng COMELEC ang pagsira sa higit 900K balota.
Binubuo ito ng halos 600K offical ballot at higit 300K roadshow ballots.