Pabor ang OCTA Research sa suhestyong huwag nang magsuot ng face shield sa loob ng sinehan.
Ito, ayon kay OCTA Research fellow, Dr. Guido David, ay dahil hindi nakaka-enjoy manood kung mayroong face shield.
Sapat na anya ang facemask bilang proteksyon sa kabila ng unti-unting pagbaba ng bilang ng COVID-19 cases sa bansa.
Ipinunto ni David na pawang mga fully vaccinated naman ang papayagang pumasok sa mga sinehan kaya’t suportado nila ang hirit na tanggalin na ang faceshield.
Una nang pinayagan ang pagbubukas ng mga sinehan sa Metro Manila pero limitado lamang sa mga bakunado at may indoor seating capacity na 30%. —sa panulat ni Drew Nacino