Binigyang diin ni Commision on Elections Chairman Andres Bautista na sumusunod lamang sila sa kanilang alituntunin kaya hindi pa nila tinatanggap ang statement of withdrawal ni Rep. Roy Seneres na inihain ng kaniyang abogado at anak.
Sinabi ni bautista sa panayam ng DWIZ na bahagi ito ng kanilang pag-iingat lalo’t may mga naiulat na aniyang ginagamit ang ganoong istratehiya laban sa iba pang kandidato.
“Nakalagay kasi sa aming tuntunin na dapat may personal withdrawal kasi sa mga liblib na lugar, ginagawa yan ng mga kalaban para manggulo.”
Samantala, balak ng kausapin ni Bautista ang kanilang law department upang mapabilis ang proseso ng withdrawal ni Seneres.
Dahil kung siya ang tatanungin mas nais niyang maging malinis ang balota na kanilang i-i-imprenta.
“Mas maganda yung malinis ang balota in the sense na kapag nag withdraw ang kandidato dapat tanggalin na. Pinag aaralan namin, mayroon pa namang sapat na panahon sa pag iimprenmta,” ani Bautista.
By: Allan Francisco