Ikinadismaya ng transport group ang naging pagtaas sa singil sa produktong petrolyo.
Sinabi sa DWIZ ni ka Obet Martin, Presidente ng Pasang Masda na malaking dagok sa kanilang mga tsuper ang mataas na presyo ng diesel.
Aniya, imbes na makabawi bunsod ng unti-unting pagbalik sa normal ng byahe ng mga Public Utility Jeep (PUJ), ay pinoproblema nila ang mataas na singil ng oil products.
Kaugnay nito, ikinalulungkot din ng kanilang hanay ang hindi pantay na tapyas at taas singil sa produktong petrolyo. —sa panulat ni Hannah Oledan