Pinawi ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang mga pangambang papalitan ng gobyerno ang water concessionaires matapos madiskubre ang ilang hndi makatarungang probisyon sa concession agreement.
Ayon kay Guevarra hindi nila iniisip na palitan ang Maynilad at Manila Water kahit pa binabakbakan ng mga ito ang Pangulong Rodrigo Duterte at kausapin ang pamilya Villar na pinagdududahang ang kumpanya ay ipapalit na water concessionaire.
Sinabi ni Guevarra na nagkakaruon lamang sila ng re-negotiation sa concession contracts.
Kaugnay nito ipinabatid ni Guevarra na target nilang matapos ang revised concession agreements bago matapos ang buwang ito.