Hindi papayagan ng Pangulong Rodrigo Duterte na tuluyang makamkam ng China ang Scarborough Shoal.
Ito ang sagot ng Malakaniyang sa pahayag ni Senior Associate Justice Antonio Carpio na aangkinin ng China ang Scarborough Shoal bago matapos ang termino ng Pangulong Duterte sa 2022.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kailanman ay hindi hahayaan ng Pangulo na sagasaan ng China ang soberanya ng Pilipinas.
Ayon kay Panelo puro ispekulasyon ang nasa utak ni Carpio na tinanong pa niya kung nababasa nito ang kaisipan ng Chinese government.
Anuman aniyang aktibidad ng China sa teritoryo ng Pilipinas ay hindi katanggap tanggap sa pamahalaan at maaaring maghain ng diplomatic protest ang Pilipinas laban dito.
Final, binding at hindi na maaaring i-apela ang desisyon ng permanent court of arbitration na hindi kinikilala ang none dash ng China sa South China Sea.