Nilinaw ng Malacañang na hindi pera ang ibibigay para sa medical assistance ng mga mahihirap na Pilipinong walang pambili ng gamot.
Sinabi ni DSWD Secretary Judy Taguiwalo na guarantee letter ang ibibigay sa mga mayroong reseta at siyang ipapakita sa botika ng mga ospital.
Sa ngayon, ayon kay Taguiwalo, inaayos nila ang memorandum of understanding sa mga ospital para maipatupad ang pamimigay ng libreng gamot na nakapaloob sa 1 Bilyong pisong ibinigay ng Pangulong Rodrigo Duterte sa DSWD.
Ang bawat nangangailangan ng libreng gamot ay makatatanggap ng minimum na P5,000 hanggang P20,000 halaga ng mga gamot at ito ay kada tatlong buwan.
Nilinaw ng kalihim na wala pa sa kanila ang 1 Bilyong pisong ipinangako ng Pangulong Duterte dahil dadaan pa ito sa proseso.
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping