Nagsumite na ng kanilang apela ang TNC o Transport Network Company na Uber Philippines kaugnay sa alok na pagbabayad ng multa.
Ito’y kapalit ng pag-aangat sa suspensyong ipinataw sa kanila ng ahensya makaraang madiskubre ang pagsuway nito sa naunang kautusan hinggil sa pagkuha ng unit partners.
Ayon kay Atty. Aileen Lizada, board member at tagapagsalita ng LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board, hawak na rin nila ang mga dokumento kasama ang proposed financial assistance para sa Uber partners na nawalan ng kita.
Una nang iginiit ni Lizada na pagsunod sa batas at hindi pera ang kanilang kailangan sa ngalan ng isang malinis at marangal na pagseserbisyo sa publiko
Kasunod nito, nagbabala ang LTFRB sa iba pang TNC’s na kakastiguhin sakaling mapatunayan ang mga pang-aabuso sa mga pasahero dahil sa pagkawala ng kanilang ka-kumpetensya.
Just like in any other hearing, they will be hearing Uber side and if there is a need to hear… of Uber as well, as regard financial assistance we will do the same.
We will not be pressure to fast track everything.
In the same pleading, they have requested a hearing scheduled on 23 August, 2017.
Patuloy na operasyon ng Arcade City sinita ng LTFRB
Kumilos na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa pagsulpot ng panibagong ride sharing app na Arcade City.
Ito’y makaraang magpatuloy pa rin ang Arcade City sa kanilang pagre-recruit ng unit partners sa kabila ng utos ng LTFRB na itigil ang operasyon nito.
Ngunit sa inilabas na pahayag ng Arcade City, nilinaw nitong ibang-iba ang kanilang sistema sa Uber dahil iniuugnay lamang nila ang driver partner gayundin ang kanilang pasahero sa pamamagitan ng app.
Pero ayon kay Atty. Aileen Lizada, pinag-iingat nila ang publiko sa pagbo-book sa naturang application at kanilang ikakasa ang mga legal na hakbang sakaling magpatuloy ito.
The board will be writing Secretary Salalima of DICT and we’ll request for assistance to shut down the system of Arcade City.