Aminado ang PNP o Philippine National Police na hindi posible ang total ban sa paggamit ng paputok.
Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Dionardo Carlos, pag re-regulate lamang ang maaring gawin dahil isinasaalang-alang pa rin ng gobyerno ang industriya ng paputok.
Kaugnay nito, ipinaalala ni Carlos na maari lamang gumamit ng mga pinahihintulutang paputok sa designated areas.
Nagpaalala pa si Carlos sa mga magulang na bantayan ang mga anak at iiwas sa mga ipinagbabawal na paputok tulad ng piccolo.
Naniniwala si Carlos na hindi ang paghuli sa mga nagpapaputok kundi ang pag- educate at disiplina ang siyang kailangan upang mapababa ang bilang ng mga namamatay o nasusugatan dahil sa paputok.