Hindi uubrang magdeklara ng Martial Law kahit pa gaano kalala ang problema sa iligal na droga.
Binigyang diin ito sa DWIZ ni Congressman Edcel Lagman matapos ihayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na walang makakapigil sa kaniyang magdeklara ng batas militar kung kinakailangan.
Sinabi ni Lagman na batid ng Pangulo bilang abogado na dalawa lamang ang dahilan para makapagdeklara ng Martial Law.
Bahagi ng pahayag ni Congressman Edcel Lagman
Pakinggan ang boses ng taumbayan.
Ito din ayon kay Lagman ang dapat gawin ng Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu ng deklarasyon ng Martial Law.
Sinabi nito na kailangan ding sundin ang Saligang Batas sa nasabing usapin.
Bahagi ng pahayag ni Congressman Edcel Lagman
Death penalty
Samantala, ilalaban ng grupo ni Congressman Edcel Lagman ang pagkontra sa panukalang pagbuhay sa parusang kamatayan.
Tiniyak ito sa DWIZ ni Lagman sa pagbubukas muli ng sesyon ng Kongreso ngayong araw na ito.
Kabilang din aniya sa mga priority bill sa Kamara ang pag-amyenda sa Saligang Batas.
Bahagi ng pahayag ni Congressman Edcel Lagman
By Judith Larino | Credit to: Ratsada Balita (Interview)