Nagbabala ang pamunuan ng Food and Drug Administration (FDA)sa publiko laban sa pagbili at paggamit ng pitong hindi rehistradong mga condoms.
Batay sa inilabas na abiso ng FDA, sinabi nito na ang mga sumusunod na brand ng bakuna ay hindi dumaan sa tama at maayos na evaluation process ng ahensya:
Okamoto skinless skin na nasa blue o white box;Okamoto zero one; Nox condoms; at ang durex condoms na fetherlite feel, pleasuremax, hug close, at jeans.
Paliwanag ng FDA, na ang mga nabanggit na brand ng condoms ay hindi inirerekomenda sa publiko dahil hindi dumaan ang mga ito sa evaluation process ng ahensya.
Kasunod nito, hinimok din ng FDA ang mga law enforcement agencies at mga lokal na pamahalaan na tiyaking walang magbebenta ng mga nabanggit na brand ng condoms sa kanilang nasasakupan gayundin ang pakiusap sa Bureau Of Customs (BOC) na tiyaking hindi makapapasok sa bansa ang mga produkto.